MIRC AutoGet
SAT 09.02.07
unang post…napapadalas na ang inis ko “sakanya”. ewan ko kung bakit hindi ko alam anong meron. alam ko lang kailagnan ko lang ilabas at mahal na mahal ko siya.
nagYM kami at nabangit niya na sira yung autoget add-on niya sa MIRC. pupunta dapat ako sa 711 para bumili ng propel at tinapay dahil papanoorin ko yung mga dinownload ko at ang sakit na ng tiyan ko.
dahil nararamdaman kong nabwibwisit na siya. naisipan kong maghanap ng solusyon sa problema niya. naghanap ako ng mga script or add-on na pwedeng ipalit doon sa ginagamit niya. nakahanap ako ng dalawa pero hindi ko alam kung gumagana ng maayos.
tumitindi ang inis niya kaya sinubukan ko na yung dalawa tapos ko ininstall yung dinownload kong MIRC. (naiisip ko pa din yung 711 at tinapay ko.) hindi ko talaga magawan ng paraan yung dalawang nakita ko. naginstall nako ng ibat-ibang version ng MIRC, nagtweek ng script, at nangapa ng configurations pero wala talaga.
nagdecide ako subukan yung program na ginagamit niya dahil gumagana naman daw dati. halos 2 oras na ang lumilipas. nalimutan ko na yung 711 na kanina ko pa pinagnanasahan. yung papanoorin ko hindi ko pa napapanood. inuna ko pa magblog kasi naiinis ako. naginstall ako ng pinakabagong MIRC at kinabit ko yung pinakabagong AutoGet na add-on.
gumana naman sakin kaya’t tinawagan ko siya. pag sagot tinanong ko ano ba ang problema nung sa kanya. sinubukan niya iexplain in 2 sentences tapos uminit na ng todo yung ulo at dito nuwi
“hindi mo naiintindihan”
“ayaw ko na magexplain”
wala na siyang kasing taray sa mga sandaling ito. sinubukan kong intindihin pa at magtanon uli pero
“wag na natin pagusapan. naiinis talaga ako”
sa mga sandaling ito nalungkot ako dahil sinayang ko yung dalawang oras nang pagtulong sa kanya dahil ayaw ko siyang nalulungkot at dahil gusto ko na siya makapagpahinga dahil masama ang pakiramdam niya. sinungitan nanaman ako. sinungitan ako na parang ako ang may kasalanan kung bakit ayaw gumana nung add-on niya.
eto ako, nagtatanong, naghahanap ng solusyon, kinalimutan yung 711 at pinapanood ko at susungitan moko. nainis ako habang nakatingin sa queue settings / configuration tab nung program na gamit niya. sabi ko sige dibale nalang tapos hindi nalang nagsalita dahil baka lalo lang siya mainis. tuwing may sinasuggest ako lalo umiinit ulo niya dahil ayaw niya magexplain.
dead air. walang nagsasalita. keyboard lang niya naririnig ko. hinayaan kong ganun hangang sa maputol ang tawag ko. buti nalang napuputol ang tawag ng sun. naiinis ako na ganun pero sa mga panahon na ito…natuwa ako. ayaw ko din kasi binababaan siya.
maya maya tumawag sakin. gumagana na daw. parang hinigop lahat ng inis sa systema niya. simple lang pala daw ang problema. asa settings lang daw. eh di nabangit ko na nahanap ko na nga solusyon nang problema niya. di ko nalang nasabi kasi ang sungit niya. nainis pa. dapat daw sinabi ko na. yung mageexplain nako…
“wag na natin pagusapan. naiinis nako”
tama ba yun? naghirap ako, nasungitan, at tinabla pa. bumawi naman kasi medyo nagsimula na manlambing. medyo tahimik ako kasi nakakainis din kasi yung nangyari. may plano din ako nitong gabi na to eh. kinalimutan ko lahat para sayo pero ganto lang gagawin mo sakin. sana nanood nalang ako ng naruto natuwa pako.
pero sige. ayos lang. mahal ko siya eh. jan din naman ang bagsak. mahal ko siya at ayaw ko siya mawala. so hindi nalang ako magrereklamo. hindi na din muna ako dadaldal kasi baka ano pa masabi ko. maayos na mood niya eh.
yung naputol yung tawag. hindi nako tumawag uli. dahil nabangit ko nanaman na kailagnan na niya magpahinga dahil nilalagnat siya. humingi pa siya ng goodnight kiss at binigay ko. sinabi ko pa na mahal ko siya.
nagtext sakin.
“di mo na ata ako love eh”
sumagot naman ako ng hindi naman ganun. tapos naggoodnight uli ako at sinabi ko na mahal na mahal ko siya. aba. nagduda pa ang loka o nagpapaka “JG” effect nanaman kahit na sabihin ko paulit ulit na love ko siya.
tinawagan ko na. kahit na naiinis ako…nilambing ko pa din. hirit ng hirit na hindi ko na siya love eh. eh di nanlambing ako. sobrang lambing talaga na feeling ko chicks nako. tapos tinanong ko sino love ko?
“si iya”
anong si iya?! oo magandang babae yun pero ilang bagillion times ko na sinasabi at pinapakita na siya lang love ko. pag may problema siya ginagawa ko lahat para matulungan siya. may YM kaya siya ngayon kung wala akong ginawa? alam ko naman hindi ako nagkulang pagdating sa pagmamahal. so sabi ko…
“lika nga dito *sabay yakap sa unan* sarap naman yakapin ng hunny ko lalo na malamig”
“hindi naman malamig eh.
ayus! baka naman gusto lang niya marinig. ayun pinatahimik ko at tinadtad ko ng i love you at mahal kita kasama ng mga halik na singtamis nung mga sinasabi ko. mukhang natuwa naman. eh di tinuloy ko pa.
“shhhh…ihug mo nalang ako”
eh astig ka pala eh. yakap na kita kanina tapos nagdududa ka pa din at ito lang din pala gusto mo. tapos natulog. hindi na naggoodnight at di sinagot yung tanong ko na kung sino mahal ko. natandaan ko tuloy yung isang araw. nakatulog ako sa sobrang pagod nagalit sakin. hay, pero ngayon tulog na tulog.
sana naman bigyan niya ng considerasyon yung mga effort na ginagawa ko. hihiritan pa ko ng hindi mo na ata ako love. eh kung nagtaray nalang kaya ako? para saan pa? eh mahal ko nga naman siya. magpapakaalipin nalang ako uli.